Nagka-YM kami ni loko-lokong Pepe kagabi. Sabi ko nga sa kanya wag na sya umuwi sa Pinas kasi mas nangungumusta sya ngayon porke wala sya rito. (Pero madalas naman talaga sa'ting lahat ganun di ba? Mas kinakausap ang tao pag paalis o nakaalis na.)
Pepe: Uy, Ner, may chika ako.
Neri: Wag na.
Pepe: Hindi, bago 'to.
Neri: Sige. (Nag-aanticipate ng kwentong Singapore. Naki-chat muna sa iba pang kakilala.)
Pepe: Kasi nung nag-mass ako
Pepe: Ayan ah, may proof na nagsisimba pa 'ko.
Pepe: Pagtalikod ko, nabigla ako
Pepe: Hulaan mo kung sino nakita ko.
Pepe: Dali, hulaan mo, Ner.
[Natagalan siguro ako sa pakikipag-usap sa ibang kakilala.]
Pepe: Di ko itutuloy ang kwento hangga't di mo sinasabing sino.
Pepe: Dali, Ner. Sabihin mo sino.
Pepe: Para di naman 'to mukhang monologue.
Neri: (Kakabasa lang sa naiwang window.) Hahaha.
Pepe: Sige na sabihin mo na kung sino.
Neri: San ka nagsimba? (Iniisip kung may Catholic Church sa SG.)
Pepe: Sa simbahang malapit sa bahay namin.
Pepe: O sabihin mo na nga kung sino para ituloy ko na.
Neri: Sige na nga... sino.
Pepe: Si Tantan!
Neri: Sinong Tantan? (Alangan namang si Tantan na officemate kong taga-Makati.)
Pepe: Tristan Felix.
Neri: Sino yun? (Inaalala.)
Pepe: Ay, Ner, ano ba? Kilala mo yun no. Yung president namin IECEP.
Neri: Di ko kilala eh.
Pepe: Busit ka, Ner! Kilala mo yun!
Neri: Talagang hindi nga. Hahaha! Nakakatawa ka.
Neri: Excited ka pamo magkwento di ko naman kilala.
Neri: At may pa-drama-drama ka pang nalalaman. Hahaha!
Di pa 'ko nakuntento. Tinawagan ko sya gamit ang PC-to-PC call ng YM para...
Neri: Hahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahaha!
[Maririnig sa feedback ang tawa dahil malakas ang speakers na gamit ni Pepe.]
Neri: Congrats, Pepe! Napatawa mo ako! Hahahahahahahahahahahahaha!
wahaha.. curious tuloy ako kung sino yang pepe na yan.. pasaway eh!
ReplyDelete