Nakausap ko uli si Pepe the night after ng nakakalokang usapang naikwento ko na. Pero this time, nakisali rin si Prick. O di ba, around the world ang drama ng barkada. Isa sa Pinas, isa sa Japan, isa sa SG.
Ginamit namin uli PC-to-PC calls ng YM kaso di namin mapagana as voice conference. E di isa-isang tawag. Ang gulo! Hahaha. Tinawagan ko si Pepe, tinawagan nya ata si Prick, so naka-hold tawag ko. Tinawagan ko si Prick habang kausap nya si Pepe, kaya na-hold naman tawagan nila ni Pepe. Pabalik-balik na call and hold. Haha.
Hanggang maisip ni Prick na mag-install kami ni Pepe ng Skype. Nag-download kami at naisipan namang mag-toothbrush ni Prick. (Naaamoy na kasi namin hininga nya. Wahaha XD)
Pepe: Eto, tapos na mag-download. Install ko na.
Neri: Sige.
Pepe: Asan ba si Prick? Iniwan tayo rito.
Neri: Nag-toothbrush daw. Ikaw nag-toothbrush na?
(Ako kasi nag-toothbrush na. Napakahalaga ng fresh breath, no? Hehe.)
Pepe: Di pa naman.
Neri: Ano? Di ka pa nagtu-toothbrush?! Yak.
Pepe: Di pa 'ko nadedepress.
Neri: (matagal na nag-isip)
(Di masyadong maintindihan dahil di narinig nang maayos. Basta hindi toothbrush ang tunog. Pinakaisip at nalamang depress ang sinabi ng kausap. Mali siguro dinig ni Pepe at napagkamalang ang tanong ay: Nadedepress ka na ba?)
Neri: Hahaha!
(Alam kong mali ang pagtawanan ang taong nagsabi ng word na depress lalo na sa sitwasyon ni Pepe. Pero di ko talaga mapigilan.)
Neri: Hahaha! Anong depressed?
Neri: Ang tanong ko: Nag-toothbrush ka na ba?
Neri: Toothbrush! Hindi depressed! Hehehe.
Pepe: Ganun?! Busit ka, Ner.
Neri: O sige, tutal sinasagot mo na ang tanong...
Neri: So di ka pa depressed? (:P)
No comments:
Post a Comment