Ewan ko lang ha. Pero ilang beses na kaming dinaraya sa oras dyan sa Chic 'n Ribs (videokehan sa Fields). Naulit nitong Linggong madaling araw. Puno na kasi sa White House (videokehan sa Diamond) kaya napilitan kaming pumunta sa Chic 'n Ribs uli.
Dalawang oras lang ang stay namin kasi closing na sila nang 3 AM. Ok lang kasi balak lang naman talaga namin 2 hours lang ng kantahan; oras na rin naman kasi no. So more or less, 1 AM kami dumating. Inorasan ni Loim.
After 1 hour and 40 mins (accdg. to Loim):
Waiter: Last song na po.
Loim: 1 hour, 40 mins pa lang naman ah.
Waiter: Yun pong relo rito yung sinusundan. (sabay turo sa relo na nasa labas)
Loim: Pareho lang naman tayo ng segundo, di ba?
Inawat na lang ng mga friends si Loim para wala na lang gulo. Pero sa'kin, tama naman si Loim. Madaya naman talaga. Bad trip.
No comments:
Post a Comment