Thursday, December 7, 2006

MRT Sardines

Manghang-mangha ako sa mga matsing na naglalambitin sa MRT. Minsan pa nga di na nila kayang maglambitin sa bars sa sobrang sikip at nakadikit na sila sa pinto o sa dulo ng carriage ng tren. Kulang na lang maghalikan sila ng salamin.

Dati madalas din akong makilambitin. Naging matsing na rin ako. Pero hanggang ngayon di ko pa rin kayang makipagsiksikan nang sobra na magpapang-abot na ang nguso ko sa pagsara ng pintuan ng MRT.

Kagabi nga lang nang mag-MRT ako papuntang Megamall, namangha na naman ako. Ba naman kahit na magkahiwalay na ang mga babae at lalaki sa MRT, siksikan pa rin. Akala ko makakasakay na ako sa unang daan ng tren ngunit ako'y nagkamali. Sa bagay pa'no ka ba kakasya na isang paa na lang ang espasyo mo? Yung isang babae nga nakalabas na yung paa sa pintuan pero pilit ang kapit nya sa kanyang mga kasama. Ewan ko ba ba't di na lang sila maghiwalay, pareho naman pupuntahan. Pero bakit nga ba ako nakikialam?

At sa himala ng mga himala, pagsakto ng beep ng pagsara ng pintuan, naipasok nya ang kanyang paa. Magic! Di ko kaya yun. Di ako magician. Kaya hinintay ko na lang ang susunod na tren.

Pero malaki ang naituro sa'kin ng MRT. Magmula nang makaranas ako ng siksikan blues nang nag-uumpisa pa lang ako rito sa Manila, natuto na ako "to go with the flow", literally speaking. Kasi magtutulakan silang lahat, e di papaagos na lang ako. Nga lang nung minsan muntikan na akong tumama sa pinto. Hehe.

No comments:

Post a Comment