Thursday, December 7, 2006

Aandar Na

O bagong tune up 'tong sasakyan natin kaya tara na, biyahe tayo! (Pwedeng kumanta.) :)

Ako nga pala si Neri, magiging driver nyo rito sa karampot na space sa web. 23 anyos and hopefully counting. Tubong Pampanga kahit na di marunong magluto at di marunong mag-Kapampangan. Kalahating Kapampangan, kalahating BatangueƱa pero walang accent na nakuha mula sa mga nabanggit. Siguro kakaiba lang talaga ako.

Anyway balik tayo sa topic. Paglalakbay. Hindi naman tayo pupunta sa Pampanga parati kahit na gusto kong umuuwi sa Pampanga. Home sweet home kumbaga. Kahit na di ako nangangapampangan, natutuwa ako pag naka-landing na ako ng Dau at narinig ko na ang aking mga kabaleng magsalita.

Nakasakay na ako sa jeep, bus, MRT, LRT, motorsiklo, tricycle, three-wheeler, upuang de gulong. Maliban sa mga sasakyang panghimpapawid at pandagat, medyo solb na ako sa mga nabanggit. Pero di ako marunong mag-drive. Sana lang. Ni magbisikleta di ako marunong. Hayaan nyo na ako. Pwede rin namang maglakad. Ang mahalaga nakakapagbiyahe ako... at nakakauwi.

Lahat naman tayo nagbibiyahe. Lahat tayo bumibiyahe lang sa mundong ito. At balang-araw pare-pareho sana uwian natin... sa Langit. :)

No comments:

Post a Comment