Friday, December 15, 2006

Krismas Vekeysyon

Hay naku, sa tinagal-tagal kong pagtatrabaho, magbabakasyon din ako. Akala mo kung saan no? Sa bahay lang ako. Manaka-nakang lalabas upang i-meet ang barkada o magsimba.

Pero wala ako talagang pagbabakasyunan. Bakit? Porke ba bakasyon hindi pwede sa bahay? Bakit ba pag sinabing bakasyon ang common connotation ng mga tao e pagpasyal sa Baguio, Boracay o kahit na anong magandang tanawin? Hindi ba pwedeng sabihing nagbabakasyon sa bahay?

Minsan kasi masyado tayong tumitingin sa nasa labas. Siguro para maiba naman ang paningin natin. Kaso ako kasi tuwing weekends lang nakakauwi sa 'min. Parang transient na nga ako. Kain tulog lang gawa ko. Parang bahay bakasyunan na ang talagang bahay ko. Kaya buti na lang at pinayagan naman akong mag-leave sa trabaho.

Ano kayang gagawin ko sa bahay? Eto ang listahan ko sa ngayon na maaaring matupad o hindi depende sa mood ko:
1. Maglaro ng Scrabble at iba pang board games. Kelan na nga ba ko huling naglaro ng Scrabble? Parang ang tagal-tagal na. Hindi naman sa paborito kong mag-Scrabble. Para naman matikman ko uling maglaro na hindi nakaharap sa PC.
2. Huwag mag-computer as much as possible. Para pahinga sa mata, pahinga sa utak. Kulang na lang kasi makatabi ko matulog computer. (Pero mag-iinternet ako paminsan-minsan. Hehehe.)
3. Maghalungkat ng gamit sa bahay. Antagal ko nang di naaayos ang aking mga memorabilia. Tuwing aayusin ko ang gamit ko para akong nasa treasure hunt. Hmmm... kelangan ko rin niyang bumili ng boxes o kaya maghanap din ng boxes. May dala nga ako ngayon pauwi. Carebears.
4. As usual magrerent at manonood ng CDs. Buti na lang malapit sa 'min Video City. FYI: Dun dati nagtatrabaho si Ronnie ng PDA.
5. Mag-oovernight sa bahay ng isang kaibigan. Most likely kina Tetay sa Panipuan. Sa bagay nasabihan ko na siya. Sa limbon daw. Kung anuman yun.
6. Mag-momoment sa Carmelite Monastery. Kunwari meditation. Kunwari soul-searching.

Ano pa ba?

No comments:

Post a Comment