Tuesday, September 19, 2006

caluguran

chokaran... repapips... friendship... barkada... kaibigan...

kahit ano pang itawag, iisa lang naman ang ibig sabihin...

pero gusto ko pa rin ang sa salitang kapampangan: caluguran. sa bagay parang sa kaibigan na may "ibig"; sa caluguran naman, "lugud". in short, pagmamahalan. bakit nga ba ako nagdadrama?

sa tanang buhay ko kasama ang aking barkada, last saturday lang kami naka-"gimik". baduy mang maituturing sa iba, nata-touch ako. kahit na di kami kumpleto, masaya. (at kelan ba naman kasi makukumpleto ang mga pips e last count ko, 21 na kami). hindi naman sa nang-iinggit ako sa mga di nakasama (pito lang kasi kami, biglaan e) pero masaya talaga. siguro dahil naramdaman kong naging matatag kami sa loob ng walo hanggang sampung taon (more or less)... na sa dami ng mga pinagdaanan naming assignment, hirap, pawis, luha, at sandamakmak na tawa, magkakasama pa rin kami hanggang ngayong may sari-sarili kaming trabaho.

nabuo lang kami nang third year high school na... hanggang nag-branch out sa iba pang gustong makisabay sa trip namin. dati mcdo lang, mayaman na kami. makabili lang ng burger meal at mag-stay ng isang oras mahigit para sa dakdak, masaya na kami.

lumipat sa tambayang bahay ni joyce, mas nakatipid. pare-pareho kasi halos ang sitwasyon sa buhay, okey na ang kaunting chichiria, manggang hilaw at bagoong para makaraos sa chikahan. kapag may birthday celebration pa nga, minsan ang ulam ay tilapia at balasenas (talong) pero ang tawa namin abot hanggang dulo ng apu. hanggang nauso ang pambansang pagkain ng pancit canton, tortillos cheese, kwek-kwek at kung anu-ano pang mamisong pagkain.

nag-aral, nagsigawa ng project, nag-production number sa klase, nagtapos ng high school, nag-college, nagka-lovelife (ang mangilan-ngilan), nakipag-break (ang halos sa mangilan-ngilang nagka-lovelife)... pero andun pa rin ang samahan at puntahan sa bahay na tambayan.

nauso ang christmas party at parlor games... hanggang nagsipagtapos ng college... nagkaroon ng sari-sariling trabaho... meron na ngang may sariling pamilya... pero wala pa ring nagkakatuluyan sa'min ha, kahit na akala ng iba sa pics namin e sweet daw kami sa isa't isa...

heto at kagagaling lang namin nung sabado sa "gimik." sa tinagal-tagal naming magkakasama, puro tambay sa bahay, overnight at pagtitipid ang ginawa namin. pero di nakahadlang sa kasiyahan, tawanan at sharing ng mga problema. kaya siguro sa'kin malaking bagay na ang nangyari sa'min. lumilevel na kami, ika nga ni pepe.

kung dati, tilapia at balasenas, ngayon sisig at litsong manok na. kung dati, pinagkakasya ang kaunting barya sa bulsa, ngayon sari-sariling offer na sa share sa bayad. kung dati videoke kina joyce, ngayon pwede na sa chic 'n ribs. kung dati, tubig lang o coke kung maswerte, ngayon may konting san mig light na. konti lang naman hehehe.

umabot kami ng alas tres ng madaling araw nung linggo. oo, ganoon kami katagal talaga magkwentuhan. may halong tawanan at seryosohan na yun.

nakakatuwa na biniyayaan ako ni Lord ng mga kaibigang hanggang sa pagtanda ay makakasama ko. siguro gumigimik pa kami nun. sabi nga namin, pag may mga anak na kami, kasali na namin sa parlor games.

Here's to the old times and the best of new ones
Here's to a song of glee
Finding our way from illusions to realities...

I'm growing up, getting down
Putting my both feet on the ground
With all my friends behind me
How can I go wrong this time?... :)

No comments:

Post a Comment