Monday, June 2, 2008

View My WebCam

Pansin ko may shifting sa'min ng sis kong si Let sa paggamit ng internet. Ako sa hapon hanggang pagabi then papalitan nya ko pag-uwi nya from school/work.

Kahit na di pa ko inaantok kaninang 10PM, humiga na 'ko sa kama dahil wala na akong gagawin. (Bum nga eh no?) Habang sya nakikipag-chat kay Jap at gumagamit sila ng webcam.

Di nya na-save sa notepad ang usapan nila kaya try ko na lang alalahanin yung binasa nya sa'kin...

Let: Ba't di na gumagalaw yung sa cam mo?
Jap: Ganyan talaga, mabagal.
Let: Talagang tumigil eh. Nakakatawa nga hitsura mo eh. Hahaha.

[blah blah blah]

[Pansin ni Let na patulog na 'ko kaya pinatay nya ang ilaw.]

Jap: O ba't pinatay mo webcam mo?
Let: (Nagtaka. Tinignan ang view ng webcam nya at natawa sa nakita. Madilim kasi nga naman di gaanong kaputian. Hehehe.)

[Ayan kasi, todo tawa ke Jap; siya naman pala di na nakikita.]

Let: Patay kasi ilaw. Hehehe. (sinindihan uli ang ilaw)
Jap: Ah ganun ba. Kita naman kita ngayon ah.

Di ko alam kung sinong mas adik sa dalawa.

No comments:

Post a Comment