Kumain kami sa Tokyo Tokyo kahapon (wala namang kinalaman sa istorya talaga, nasabi ko lang). Nang maubos ko na ang natirang veggie tempura nina Nhut at Chen (di kasi nila trip habang ako nama'y sarap na sarap), nag-compute na si Chen sa pricing ng foods.
Chen: 7 + 7... 14!?.
Ako: Ano ba yan... tanong... o declaration?
Chen: Expression!
(tawanan)
Ako: Tindi namang expression yan. Kunwari mabigla ka o matisod, sasabihin mo pa "7+7...14!" Namudmod na mukha mo sa lupa bago mo pa nasabi yun! XD
Napaisip ako. Sa bagay nga naman, expression din ang 7+7 --- mathematical expression.
Ako: Ahhh... baka naman mali ang pagkaintindi ko. Baka expression nga talaga. Kasi di ba mathematical expression.
Chen: Hindi. Expression lang talaga.
Nag-isip pa 'ko, yun din pala. 0_0
No comments:
Post a Comment