Wednesday, June 20, 2007

ASC Balik-Subic 2007

Actually di ko feel i-blog ito ngayon. (Siguro dahil sa antok o dahil pag inaalala ko, napapagod lang uli ako.) So far, na-upload ko pa lang ay yung sa Zoobic Safari. Next time ko na lang siguro explain ang tour, kung maalala ko pa ang mga nalaman ko sa tour guide namin. Wehehe.

Basta ang natutunan ko lang sa company outing na ito:
  • Huwag magluto sa outing. O kaya magluto kung naka-prepare na ang food. Huwag mag-prepare ng food then magluto kasunod. Nakakapagod sobra. Plus kung mag-iihaw ka sa beach, di ka pwede lumangoy dahil aabutin ka nang pasma. Tsk tsk tsk.
  • Huwag iasa ang dinner sa isang cooking competition. Aabutin ka nang gutom.
  • Huwag mag-ayang pumunta sa isang lugar matapos lampasan ang kalsada papunta doon. Sayang ang gas, sayang ang U-turn.
  • Huwag kumuha nang driver na di alam ang San Fernando Exit at nilalampasan ang NLEX kung pupunta nang Olongapo.
  • Huwag nang ituloy ang outing kung konti lang din naman ang sasama. O kaya may sasama pero uuwi rin after a day. Nakakalungkot lang sa mga naiwan.

In short: MAGPLANO.

1 comment:

  1. tama yan!! walang kwentang outing kung halos kalahati ang nawawala..d na msya wala na sense un..ano ba.. dapat kapag outing wala ng papagurin na mga employees..

    ReplyDelete