Inaamin ko first time ko sa Baguio last Friday. Kung di pa dahil sa company kickoff, di ko alam kung kelan ko mapupuntahan ang Summer Capital of the Pinas. Naalala ko nang bata pa ako at feeling ko ako na lang sa buong klase ang di pa nakarating dun. Di naman pala ako nag-iisa. Buti na lang. :D
First time kong...
First time kong...
lumanghap ng clouds sa Marcos Highway,
mag-malling sa SM Baguio,
manood ng MMK sa Ridgewood Residence,
magpa-picture sa The Mansion,
makakita ng scenery sa Mines View,
bumili ng ube sa Good Shepherd,
mamangka at sumigaw sa Burnham,
mag-bonfire sa Camp John Hay,
kumausap ng strawberry picker,
makakita ng mga askal na hindi galisan
at mabingi sa Kennon Road.
Kung susumahin, sulit na ang naging biyahe ko. Sinagad ko na maliban sa pangangabayo. Pero ok naman. Masaya.
Si Kuya Eric ang naging driver namin sa nasakyan naming rented van. Mabait siya kahit na minsan feeling ko nakasakay kami ng roller coaster o nasa scene kami ng isang action/adventure film.
Sa mangilan-ngilan naming pag-uusap, nalaman kong ilang taon na siyang nagpabalik-balik sa Baguio dahil sa dating amo niya. Biglang may kurot sa puso ko nang aminin niyang nalulungkot siya dahil ni minsan di niya pa nadala ang sarili niyang pamilya sa Baguio. Nakakalungkot nga naman. Napaisip ako.
Kelan ko kaya madadala ang pamilya ko sa Baguio? Sana matupad ko iyon balang-araw.
At sana kahit si Kuya Eric sa pamilya niya.
No comments:
Post a Comment