Wednesday, April 16, 2008

Ang Pink Shades na Mukhang Chanel

Papunta kami Raon, dumaan saglit sa SM para mag-withdraw. Naratnan ko ang dalawa sa shades area, sumusubok ng mga shades. As if bibili.

Neri: Chen, bagay mo yan. (Tinutukoy ang pink na shades na mukhang Chanel.)
Chen: Thank you. (Pa-cute na sagot.)
Neri: Bilhin mo na. (Tinitignan kung bibilhin nga ng kasama.)
Chen: (tinignan ang tag price) Ay, ang mahal. 300.
Neri: Bilhin mo na. Bagay mo naman eh. (Sinusubukang udyukin ang kasama. Bagay nga naman nya talaga.)

Matapos na paulit-ulit na sinubok ni Chen ang shades at tiningnan ang sarili, tumingin pa ng ibang shades kasama ni Lisa.

After 10 minutes...

Lisa: Mas bagay mo pa rin yan, Chen. (Tinutukoy ang pink shades na mukhang Chanel.)
Chen: Talaga? Thank you. (Pa-cute na sagot uli.)
Lisa: Bilhin mo na.
Neri: Bilhin mo na nga.
Chen: (habang tinitignan ang sarili sa salamin) Ang mahal eh. 300.
Neri: Eh bagay mo naman nga.
Chen: (mukhang hindi desidido kung anong gagawin)

After 5 minutes...
Sumubok na rin ako ng shades. Wala na akong ibang magawa. Dalawa na ang pinagpipilian ni Chen na shades. Parehong hawak.

Di ko na maalala kung sino ang nagyayang mag-picture na nakasuot kami ng shades.

Chen: (kinausap ang sales lady sa tabi) Miss, pwede kaming mag-picture na suot mga 'to?
Saleslady1: Sige po, ma'am. (Natatawa na ata sa'min.)

After mag-picturan at 5 minutes...
Sumubok ng isa pang shades si Chen.

Neri: Chen, di mo bagay.
Lisa: Di mo bagay, Chen.
Saleslady2: Pangit. (In fairness, honest sya.)
Neri: Mas bagay mo pa rin ung pink. (Tinutukoy ang pink shades na mukhang Chanel.)

Nag-iisip pa rin si Chen kung alin sa dalawang shades na matagal na nyang hawak ang kanyang pipiliin. Pipiliin lang nga ba o bibilhin?

Neri: (sumusubok na rin ng shades) Bagay ko ba? (Tinutukoy ang panlimang shades na sinubok. Napapaisip bumili. Summer naman eh.)
Lisa: Bagay.
Chen: Oo, bagay.
Saleslady2: Pangit. Try nyo po 'tong polarized. (Inabot ang polarized glasses.)
Neri: Anong ibig sabihin ng polarized?
Saleslady2: Tignan nyo po yung picture sa taas habang walang shades at habang nakasuot yan. (Tinuro ang naka-prop na picture sa taas ng shade shelf.)
Neri: (tiningnan ang picture, walang napansin) Anong pagkakaiba?
Saleslady2: Yung isda po.
Neri: (tiningnan uli ang picture. May isda nga pag suot ang polarized shades. Hindi aninag ang isda pag hindi suot ang shades.) Onga no. Ang galing. (Napaisip.) Pero san ko magagamit yan sa totoo or ordinaryong buhay?
Saleslady2: Ibig pong sabihin nyan mas malinaw sya kesa ordinary UV shades. Tsaka mas malamig sa mata.
Neri: (pinakiramdaman ang mata) Sa bagay. (Tinignan ang presyo.) Ay, 400 pala. Wala bang ganitong style na hindi polarized?
Saleslady2: Ay wala na po, ma'am. Madali po kasing maubos ang ganyang style.
Neri: Ay ganun. (Nanghihinayang. Iniisip kung kakayanin ng budget.)

Pero mabalik tayo ke Chen. After 5 minutes...

Chen: Sige, bilhin ko na. (Tinutukoy ang pink shades na mukhang Chanel.)
Neri: Ay salamat. Bagay mo naman kasi talaga.
Saleslady2: Sige po, ma'am, kuha lang ako ng stock.
Chen: Ok.

Nilapag ang pink shades na mukhang Chanel sa shelf.

After 2 minutes, bumalik si Saleslady2.

Saleslady2: Ay, ma'am, wala na po palang stock.
Chen: Ganun? (Hinanap ang pink shades. May aleng tumitingin din pala ng shades. Hawak nya ang pink shades na mukhang Chanel.)
Lisa: (tumatawa. Binulungan si Neri na tumitingin sa salamin na nakasuot ng polarized glasses.) Tignan mo si Chen, nakakatawa. Yung shades nya andun sa babae.

Close curtain.
Hagikgikan ang dalawa habang hindi mailarawan ang nalamukos na mukha ni Chen.

Epilogue...

Neri: Ano, alis na tayo?
Chen: Tara na nga. (Nagmumukmok.)
Saleslady2: Pasensya na po talaga, ma'am.
Neri: Ok lang yan, para matuto po sya. (Hehehe.)
Lisa: (tumatawa pa rin)
Saleslady1: (nakangiti)

-TheEnd-

No comments:

Post a Comment