Tapos na naming lamunin ni Nhut ang Choco Sans Rival namin at inuubos ko na lang ang Four Seasons drink ko (na nalaman naming pag-aari talaga ni Nhut, di nya lang pinapahalata kaya ginawang Four Seasons kesa Two Seasons lang. Middle name at last name kasi ni Nhut ay Sison. Gets? Forget the first name. Wehehe.) nang napansin ko ang inscription sa balot ng Goldilocks kubyertos.
It read: (under the brand name) Bakeshop. Foodshop.
Napaisip ako.
Ako: (habang ipinapakita kay Nhut ang papel at itinuturo ang inscription) Nhut, basahin mo o.
Nhut: Bakeshop. Foodshop.
Ako: So ibig sabihin ang galing sa foodshop ay hindi...
Nhut: Bake.
Ako: At ang galing sa bakeshop ay hindi...
Nhut: Food.
Ako: Ang galing mo talaga, Nhut!
Nhut: Syempre naman.
Logic nga naman ng mga adik. *kamot sa ulong may kuto*
No comments:
Post a Comment