Thursday, August 16, 2007

Pundang Panyo

Napansin ni Lisa ang malaking panyong dala ni Mai.

Lisa: Ate Mai, ba't ang laki ng panyo mo?
Mai: Ah ito ba? Punda 'to eh, di panyo.
Lahat ng nakarinig: Ano? Punda? (nagulumihanan)

Napilitang mag-explain si Mai. Aba, e dapat lang dahil sino ba naman ang nagpapanyo ng punda, di ba?

Mai: E kanina kasi pagbukas ko ng drawer (pinakita kung pano binuksan ang drawer), wala nang panyo! (pinakitang gulat) Kaya ginawa ko na lang 'tong panyo kasi di ko kayang walang panyo.

Neri: Mas adik pala itong si Mai.

***

Naikwento ni Neri at Nhut kay Gerri ang pangyayari.

Gerri: E wala ba syang kahit bimpo lang para gawing panyo?
Nhut: Siguro wala kasi yun ngang punda yung ginamit nya.
Gerri: E ba't naman punda, eh ang laki nun. Ba't di na lang medyas?
Neri: Ngayon natin nalaman, Nhut, adik din pala sina Mai at Gerri.

No comments:

Post a Comment