Monday, May 8, 2006

tambak

that's the word for the past week and perhaps some days to come...

tambak...

namutawi sa mga labi ng mga tao lalo na nang nagkaroon ng "inter-company" basketball competition (kuno) nung friday. ba naman yan lang ang made-describe ko dun... tambak... halos kalahati ba naman ang score... tambak! ulit-ulitin ba... pero di ko kinakahiya ang mga boys namin dahil syempre proud pa rin akong cheerer at watergirl... yup kaming tatlo nina lisa at chen naging cheerers, watergirls, at somewhat babysitters na rin sa mga bata... masaya naman... kaya sayang at di nakasama si nhut (nagpadala ba naman kasi sa *toot* [di ko pwede sabihin e])...

after a long long time, nakapaglaro uli ako ng patintero courtesy of the little kids. nakakatuwa nga si tristan (aka june liit) dahil bawat mataya e umiiyak. so after 2 strikes, naisipan na naming wag syang isali sa magkabilang team. he had a team of his own ika nga. di naman nya napansin na kahit sinong maging taya, sya di natataya. wehehe :D

so after the tambak episode, pinakain kami kina ma'am maiel (the winners)... nagkaron tuloy nang hamon for a rematch para naman daw si sir june naman ang mag-treat next time. afterwards, nakapanood pa kami ng dvd kina sir june courtesy of tan's (aka boy kalog... peace! :D) DVDs. [note: di ko na sasabihin kung sino si aka boy tuod dahil sumama ata loob... peace uli! :D]

di na ako nakauwi nang pampanga this past weekend (waaaaahhhh)... super stressed out tuloy... tambak na kasi sa defects, tambak pa sa stress. stress reliever ko na nga lang pag-uwi sa pampanga at makita si ponky (ang pusa ko) , di pa nangyari. kaya ayun super toxic.

kaya anong naisip kong gawin nung sat para matanggal ang stress? bumili ako ng libro ng paborito kong filipino author (bob ong) --- stainless longganisa. antagal ko talaga sa national... ewan ko ba, there's some comfort on being surrounded by books and reading them, of course... napaisip pa tuloy ako nang nakita ko ang scrapbook area... pwede ring hobby. dapat talaga magkaron ako nang hobby na di kelangan masyadong mag-isip para di na maragdagan pa wrinkles (kung meron man, pero wala pa sana) sa fez ko. biruin mo ba naman, programming na nga living ko tapos hilig ko pa magbasa ng mystery novels, mag-solve ng puzzles, at mag-compose ng poems. siguro deep fried na brain ko... no wonder...

sa wakas nakabili na rin ako ng fluffy pillow!!! at bumili na rin ako ng cute bath towel para di mahirapan sa paglaba ng towel ko sa apartment... talagang sinunod ko kapritso ko that day para lang matanggal stress... which i guess suited me at the time. di ko naman pinagsisisihan dahil ang simple lang naman talaga ng joys ko. mababaw lang talaga kaligayahan ko :) biruin mo naman unan lang na malambot, masaya na ko :D

pagkauwi, himalang nilinis ko ang mga jalousy ng bintana (note: lower part lang dahil di ko na maabot ang sa itaas... wehehe) at winalis ko ang buo kong kwarto. yup, that was a miracle! :P inumpisahan ko na ring maglaba afterwards kaya super pagod na ko at gutom... worse thing is walang food sa apartment (wala na palang gas)... kaya after maligo (which i don't do usually at evening, sobrang dumi ko nga lang talaga that time sa nanlilimahid na alikabok mula sa windows), straight ako sa jabi with my pambahay outfit :D

hayyyy... ang habang post na ito. tama na muna.. till next time, napagod na ko... tambak din tong post, no? ;)

1 comment: